# MAMAMAYAN AT PAGKAMAMAMAYAN - STUDENT NOTES
## Kahulugan ng Pagkamamamayan
- Ang pagkamamamayan ay isa sa pinakamahalagang yaman ng isang bansa.
- Ang mga mamamayan ay may pananagutan sa kinabukasan at pag-unlad ng bansa.
- Ito ay isang legal na katayuan na naglalarawan ng relasyon ng isang tao sa estado, kabilang ang
kanyang mga karapatan at tungkulin.
## Kasaysayan ng Pagkamamamayan
- Ang konsepto ng pagkamamamayan ay nagsimula sa Sinaunang Gresya.
- Sa mga polis (city-states) ng Gresya, mga kalalakihan lamang ang itinuturing na mamamayan.
- Sa paglipas ng panahon, ang kahulugan nito ay lumawak upang maisama ang mas maraming tao
at responsibilidad.
## Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan
Dalawang pangunahing prinsipyo ang ginagamit upang matukoy kung paano nagiging mamamayan
ang isang tao:
1. **Jus Sanguinis** - "Karapatan ayon sa Dugo" (Nakabatay sa pagkamamamayan ng mga
magulang).
2. **Jus Soli** - "Karapatan ayon sa Lupa" (Nakabatay sa lugar ng kapanganakan).
### Pagkamamamayan sa Pilipinas
- Ang 1987 Saligang Batas ng Pilipinas ay nagtatakda kung sino ang itinuturing na mamamayang
Pilipino.
- Tinutukoy rin nito kung paano maaaring makuha o mawala ang pagkamamamayan.
## Aktibong Pagkamamamayan
- Ang pagkamamamayan ay hindi lang isang legal na katayuan, ito rin ay isang pananagutan sa
bayan.